6 Klase ng Tao na Dapat Mong Iwasan Para Swertehin ka sa Buong Taon

Sabi nila, hindi totoo ang swerte at nakadepende lang lahat sa sipag ng tao at tamang pagkakataon, ngunit maniniwala ka ba Ka-PakBet kapag sinabi ko na ang swerte ay naka depende sa kung sinong tao ang nakapaligid sayo?

Marahil ay gusto mo nang magbago ang kapalaran ng buhay mo ngayon at nagbabakasakali ka na magkaroon ng swerte sa buhay mo. Maaring ang naghahadlang lamang sa swerte mo ay ang mga taong nakapaligid sayo.

Mga Negatibong Tao. Ito yung mga taong may mga dalang negatibong enerhiya sa sarili nila na naipapasa sa mga tao na kanilang nakakasalamuha sa pang araw-araw. Ang mga sumusunod ay ang mga klase ng negatibong tao at mga dahilan kung bakit sila dapat iwasan:

 

  1. Mga may inggit sa iyo na tao.

Ito yung mga tipo ng tao na naiingit sa mga bagay na mayroon ka o sa mga bagay na nararating mo Ka-PakBet. Kung napapaligiran ka ng mga ganitong klase ng tao, may pagkakataon na hindi ka na nila hahayaang mas maka-angat pa kaya maaaring siraan ka nila sa ibang mga tao. Maaari ding mahatak ka nila pababa kung makikinig ka sa mga bagay na sasabihin nila, makaka apekto ito sa pagtiitiwala mo sa sarili mong kakayahan na maaaring maglimita sayo upang hindi na muling maka-angat.

 

2. Mga  mapanlait na tao.

Ito yung mga tao na halos walang masabing maganda sa kapuwa nila. Maaaring ito ay kaaway o mismong malapit na tao sa iyo Ka-PakBet. Kung ikaw ay nakakasalamuha ng mga ganitong tao, maaari itong maging dahilan ng pagkakaroon mo ng duda sa sarili mo. Maipapasa nito ang negatibong enerhiya sa iyo na siyang makakapagtaboy ng swerte sa iyo.

 

3. Mga magagastos/maluluho na tao.

Kung ikaw ay napapaligiran ng mga ganitong klase ng tao ay maaaring matulad ka sa kanila. Halimbawa na lang kung aayain kang mamili ng mga bagay na hindi kinakailangan sa isang mall, dahil sa pakikisama ay maaaring hindi ka makatanggi sa kanila. Tandaan na ang dahilan kung bakit tayo nag hahangad ng swerte ay para sa sariling pag unlad at pagpapayaman, kung magiging magastos at maluho ka din ay lalayo ang swerte sa iyo Ka-PakBet.

 

4. Mga mapang-abuso na mga tao.

Kahit na anong klase ng pang-aabuso, mapa pisikal, pinansyal, emosyonal at kung ano man, kailangan mong umiwas sa mga ganitong klaseng tao. Kung kaibigan man ito na umaabuso sa kabaitan mo, hindi ka makaka kuha ng swerte kung panay tapon ka ng mga magagandang enerhiya mo. Kung gusto mong maka-attract ng swerte, hindi pagpapasensiya at pagpapaubaya ang sagot dito.

 

5. Mga mangungutang.

Kung swerteng pang pinansyal rin lang ang pag-uusapan isa sa mga pinaka una mong iwasan ay ang mga mangungutang alo na kung balak mong magtayo ng negosyo Ka-PakBet. Tandaan na hindi lahat ng mga inutang ay nababayaran maliit o malaking halaga man yan. Hindi lalapit ang swerte sa iyo kung hindi ka marunong mamahala ng pera.

 

6. Mga tamad na tao.

Hindi naman na siguro kailangang ipaliwanag pa nang maigi kung bakit sila kailangang iwasan kung gusto mong swertehin ang iyong buhay Ka-PakBet. Gaya lamang ng mga naunang mga halimbawa ng mga klase ng negatibong tao, kung mapapaligiran ka ng mga ganito ay maaaring ma-attract mo din ang dala nilang negatibong enerhiya, ito ay ang katamaran. Kung magiging tamad ka sa ano mang klase ng aspeto ay hindi ka talaga lalapitan ng swerte sa buhay.

 

Iyan ang mga tao na dapat mong iwasan upang ikaw ay swertehin sa buong taon na ito. Kung napapaligiran ka ng mga tao na maraming dalang negatibong enerhiya na maaaring maipasa sa iyo ay hindi talaga makakalapit ang swerte iyo. Sa pag-iwas sa mga tao na ito ay makapagtatanggal ka ng mga masasamang enerhiya sa paligid mo. Ito ay isa sa mga paraan para makapag-attract ka pa ng mas maraming swerte sa buhay mo.

Kung ang mga tao na ito ay maiiwasan mo, dapat ding iwasan mong maging isa sa mga negatibong tao sa paligid ng iba. Makakatulong din ang pag susuot ng mga pampaswerteng bagay tulad ng mga kwintas o pulseras na gawa sa partikular na kagamitan depende sa gusto mong ma-attract na swerte.

Ang swerte mo ay maaaring nahahadlangan lang ng mga taong may dalang negatibong enerhiya sa iyo, kaya alamin kung ikaw nga ay napapaligiran ng mga ganitong klase ng tao.

X

Your chance to win a juicy discount on our big wheel.

Feeling lucky Ka-PakBet? Give the wheel a spin!

 
  • You can only spin the wheel once. No cheating.
  • Same email must be used when ordering.
  • Good luck Ka-PakBet!
SPIN THE WHEEL
Never
Remind later
No thanks