Ang langis ng dahon ng laurel ay hindi mabilang sa dami ng mga pakinabang, mula sa mahusay na lasa nito sa kakayahang labanan ang mga impeksyon at pagbutihin ang sirkulasyon ng dugo. Pinakamahusay sa lahat, napakadaling gumawa ng mga ito.
Mga kakailanganin:
200 grams ng tuyong dahon ng laurel buo man ito o may sira
1 litrong olive oil o virgin coconut oil
Mga Pamamaraan:
Una, Ilagay ang kalahati ng dami ng mga dahon ng laurel at ang lahat ng mga langis sa isang lalagyan na may masikip na takip. (Gumagamit ako ng babasaging garapon na may isang rubber seal)
Pangalawa, Ilagay ang garapon sa isang kawali, at punan ang kawali ng tubig na hanggang sa 2cm mula sa tuktok ng garapon.
Pangatlo, pakuluan ng dahan-dahan sa loob ng 20 minuto. pagkatapos ay hayaan na palamigin nang kaunti. I-strain ito pagkatapos. Itapon ang mga pinakuluan na mga dahon ng laurel.
Pangapat, Punan muli ang garapon ng mga natirang tuyong dahon ng laurel, takpan nang mahigpit ang takip. iwasang matuyuan ng tubig. Lagyan ito ng tubig kung kinakailangan. Hayaan pang kumulo ng 10 minuto.
Panglima, Palamigin ito ng kaunti, at ibuhos sa pamamagitan ng isang strainer (Anumang berdeng likido sa ilalim ng langis ay dapat na paghiwalayin at itatapon, dahil masisira ang langis). Pagkatapos ay ibuhos ang langis sa malinis na bote o garapon (siguraduhing malinis ito), at lagyan ng label at i-date ang mga ito. Mag-imbak sa isang malamig at, madilim na lugar at mananatili ito sa loob ng isang taon.
Pero saan mo ito pwede gamitin?
Maaring gamitin ito sa ibat ibang mga paraan.
Una, Kumuha ng kaunti at ipahid ito sa apat na sulok ng iyong kama. Kapag tayo ay natutulog tayo ay nasa walang malay na katayuan. Hndi nten alam kung anong mga enerhiya ang pumapasok sa atin. Kaya kailangan nten maprotektahan ang ating sarili habang tayo ay natutulog. Sa paggawa nito ay mkakabuo tayo ng isang barrier kaya kung tayo ay tulog, tayo ay ligtas at malayo sa panganib. Inaalis din nito ang mga bangungot at masasmang mga panaginip.
Pangalawa, Gamitin ito sa pammagitan ng kandila. Maaring kumuha ng alin mang kandila na nais mong gamitin. Maari kang maglagay ng ilang mga patak ng bayleaf oil sa iyong kandila. Sa paggawa nito ay makakahikayat ka ng magandang kapalaran, swerte at kasaganahan.
Pangatlo, Sa pagpahid nito sa iyong wallet at mga salapi. Maari din sa iyong nga credit cards o debit cards. Napapataas nito ang swerteng maihahatid sa iyong mga salapi. Naproprotektahan nito ang enerhiya ng iyong salapi.
Pangapat, Pagpahid sa iyong sarili. kumuha ng kaunti ng langis at ipahid ito sa iyong pulso. Maaring magdulot ito ng pagbabago sa iyong buong araw. Maaring mag iba ang tingin ng ibang tao sa inyo. May pagkakataon na maari kng maging maswerte sa mga bagay o pangyayari na hndi inaasahan. Nkakapagattract ito ng attensyon sa napakagandang pamamaraan
Panglima, Maari mo din ito gamitin sa itong mga libro, notebooks o mga journals. Mga sinusulatan mo ng mga goals, bucket list at kung ano pa man. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagpunas ng langis sa gilid ng iyong notebooks o mga papeles at simulang magsulat. Napapataas nito ang iyong intensyon at inaalis ang mga hadlang at balakit sa pagkamit ng mga ito.
Ang mga interpretasyong ito ay pawang gabay lamang nasa sa atin parin ang desisyon at tayo parin mismo ang
may hawak ng ating kapalaran. Huwag po nating kalimutang magdasal at manalig sa may kapal. Hinding hindi
nya po tayo pababayaan.