10 Swerteng Paraan Para Gamitin ang DAHON ng LAUREL o BAY LEAF

Alam natin lahat na napakaraming paggamitan ng dahon ng laurel. At ang pangunahing gamit nito ay sa pagluluto. At ang isa sa pinakapopular na pagamit nito upang makakuha ng kasaganahan ay sa pamamagitan ng pagsusulat ng ating mga intensyons dito at pagsunog dito.

 

Ito ang mga iba pang mga gamit sa dahon ng laurel.

 

Una, Magagamit ito upang maialis ang mga negatibong pag-iisp at pakiramdam. Mawala ang stress, poot , galit, takot at mababang pagtingin sa sarili. Kakailanganin mong sunugin ito sa loob ng iyong kwarto Ka-PakBet at hayaang kumalat ang usok nito dito at magmeditate dito. Wag umalis sa loob ng kwarto. Magdadala ito ng kalmadong epekto sa iyo. Hndi nangangailangang magsulat sa dahon mg laurel.  Maaring gumamit ng mga sira o may punit na dahon ng laurel dito.

 

Pangalawa, Ito ang pinakapopular at common, at ito ay sa pamamagitan ng pagsusulat ng inyong intensyon dito at pagsusunog nito. Simple as that. Maari mong malamang ang detalyadong paraan nito sa iating mga previous episodes. Magagamit mo din ang mga abo nito sa ibat ibang paraan.

 

Pangatlo, Maari mo din ito magamit para proteksyon at pang cleanse. Maari mong magamit ito sa pagsusunog nito. Magrerelease ito ng enerhiya na nagbibigay proteksyon sa iyo. Nililinis ang hangin at iyong enerhiya. Maari mong isulat ang salitang “proteksyon” sa dahon nito bago sunugin.

 

Pang-apat, Maglagay ng dahon ng laurel sa ilalim ng iyong unan. Isinasama ito dahil napakamakapangyarihan ng gantong gawain lalo na sa iyong mga panaginip. Maari mong ilagay ang iyong mga tanong sa dahon ng laurel at ilagay ito sa ilalim ng iyong unan. O kaya naman ay simpleng ilagay ang dahon ng laurel sa ilalim ng unan at magpokus sa iyong mga panagjnip. Mga boses na naririnig, mga hayop na nakikita o mga eksenang nakita sa iyong panaginip. Isulat ito sa isang papel pagkagising at ito ang magbibigay ng guidance sa mga katanungan na maaring meron ka.

 

Pang-lima, Makakatulong ito upang makaattract ng pera at kasaganahan sa iyong buhay. Maari mong ilagay ang halagang nais mo sa dahon ng laurel. Nangangailang na ito ay makakatotohanan. Hindi maaring maglagay ng 100milyong piso o mas mataas pang halaga dahil maari mong guluhin ang mga enerhiya sa paligid mo. Maari mo din isiksik ang mga dahon ng laurel sa pagitan ng iyong perang papel sa lokb ng iyong pitaka.

 

Pang-anim, Maari mong gamitin ang dahon ng laurel upang gawing maaliwalas ang iyong mga crystals o mga dyamanteng alahas. Maari mong sunugin ang dahol ng laurel at pausukan ang mga nasabing alahas. Sa paggawa nito ay maaring magising at lumabas ang totoong potensyal ng mga properties ng iyong alahas. Maari din nitong maalis ang mga masasamang enerhiya na nanirahan na sa mga ito.

 

Pang-pito, Maari din itong magamit upang maialis o maitaboy ang isang enerhiya o intensyon na ayaw mong maramdaman. Maaari itong isang emosyon o kaya ay isang pangyayari na ayaw mo ng balikan. Maari mong magawa ito sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga ito sa dahon ng laure at sunugin ito. At itapon ang abo sa labas ng iyong tahanan. Maari ding itapon sa basurahan o kaya ay ibaon sa lupa.

 

Pang-walo,Maaring magamit upang bigyan ng kakaibang mahika ang iyong nga pagkain. Gawin ito sa pamamagitan ng pag-ipit nito sa iyong mga palad at ilipat ang iyong nais na enerhiya dito na gusto mailipat sa iyong ihahandang pagkain. Kung nais mo ng masayang pagsasama-sama ng mga myembro ng pamilya o kaya naman ay kasaganahan sa pamilya habang kinakain ang handang pagkain.

 

Pang-siyam, Maari mo din itong gawing isang tsaa. Idagdag lang ang ilang pirasong mga dahon ng laurel sa isang mainit o maligamgam na tubig o sa iyong paboritong inumin. Makakatulong ito upang palakasin ang iyong psychic abilities o kaya naman ay palakasin ang iyong intuition. Makakatulong din ito na makarelaks at tulungan na pagtiwalaan ang iyong sariling kakayahan.

 

Pang-sampu, makakatulong ito upang maproteksyunan ang iyong sariling tahanan. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagkalat ng mga piraso ng dahon ng laurel sa loob ng iyong bahay. Maproporyeksyunan nito ang iyong tahanan mula sa mga hindi kanais nais na enerhiya at mga evil eye. Makakatulong din ito upang magdala ng kasaganahan.

 

Maraming benepisyo nag makukuha sa dahon ng laurel! Kaya nais kong ishare ang mga ito sa inyo ng paulit ulit Ka-PakBet.

 

Ang mga interpretasyong ito ay pawang gabay lamang nasa sa atin parin ang desisyon at tayo parin mismo ang may hawak ng ating kapalaran.  Huwag po nating kalimutang magdasal at manalig sa May kapal. Hinding hindi nya po tayo pababayaan.

X

Your chance to win a juicy discount on our big wheel.

Feeling lucky Ka-PakBet? Give the wheel a spin!

 
  • You can only spin the wheel once. No cheating.
  • Same email must be used when ordering.
  • Good luck Ka-PakBet!
SPIN THE WHEEL
Never
Remind later
No thanks