Halaman na Panghatak ng Swerte Pag Nilagay mo sa Kusina

Ang Feng Shui ay nagbibigay ng alintuntunin kung papaano gagamitin ng maayos at tama ang mga halaman at bulaklak sa kusina. ang kusina ay ang puso ng Bahay pagdating sa feng shui at ito ay napakaimportante Lalo na sa kalusugan at kapakanan ng bawat miyembro ng pamilya.

Ang fire element ay ang pangunahing elemento na makikita sa kusina dahil ito ang lugar kung saan inihahanda at iniluluto ang mga pagkain. ang mga halaman ay nagrerepresenta ng wood element. sa fengshui productive cycle, ang kahoy ay kailangan upang makagawa ng apoy. ang paglalagay ng halaman at bulaklak sa kusina ay nakakatulong upang mapalago ang enerhiya sa pamamagitan ng pagsasagana ng Chi energy.

Herbs para sa kusina

Ang isang herb garden na nakapwesto sa may bintana o mga halaman na nakapwesto ng solo ay naayon ng mailagak sa loob ng kusina. ang paggamit ng mga sariwang halamang ito o mga herbs sa pagluluto ng mga pagkain ay nakakapagdulot at nagbibigay ng mas masusustansyang mga pagkain. Ang ilang herbs ay kinokosiderang mga swerte sa feng shui. Para sa buong detalye ng mga lucky herbs, bisitahin ang editing previous episode last week.

Mga hanging plants sa kusina

May mga ilang pagkakataon na maari kang gumamit ng mga halaman o bulaklak na nakasabit sa loob ng kusina. Maari silang isabit sa pamamagitan ng mga chains na gawa sa metal, plastic o kaya ay mga simpleng tali lamang. mas mainam ana ilagay ang mga halamang ito sa pagitan ng dalawang nagraragasang mga elemento gaya ng lababo at oven.

Ang mga halaman na may patusok na mga dahon ay dapoat iwasan kung pagbabasihan ang fengshui dahil ito ay kinokonsiderang mga poison arroes sa kusina,  dapat piliin ang mga pabilog o oval na mga dahon dahil ang mga ito ay nagsisimbulo ng kaperahan at pananalapi. ang mga pangkaraniwang mga halaman ito ay  jade, money tree, philodendron, rubber tree at lucky bamboo.

Tamang lagayan ng mga halaman sa kusina

Maari kang  maglagay ng mga halaman sa ibabaw ng kitchen table, counter at ibabaw ng mga kitchen cabinets na hindi gaanong mataas na naabot na ang kisame ng kusina. Ang mga floor plants gaya ng rubber plants ay maaring ipwesto sa timog silangang bahagi upan g makapgdulot ng swerte at kasaganahan. maari mo din isabit sa nasabing lugar ang mga halaman ng philodendron.

Ang mga sariwang bulaklak ay nagbibigay ng mataas na enerhiya sa loob ng kusina. maglagay ng isang vase na may makukulay na bulaklak sa isang lamesa  o  counter sa kusina. panatilihin lamang na malinis ang tubig nito at palagiang tingnan upang hindi mamatay o malanta patagalin ang freshness ngmga bulaklakkung gumagamit ng mga fresh-cut na bulaklak mula sa inyong hardin o mula sa binili sa palengke, mabuting gumamit ng mga sikat na flower life extending technique. ilagay ang bulaklak sa isang vase na may malinis na tubig. ilagay ito sa loob ng refrigerator ng ilang mga oras o kaya ay overnight bago ilagak sa kusina. ang paggawa ng nasabing teknikay nakaktulong upang maabsorb ng mga bulaklak ang tubig na nagiging dahilan upang maiwasan ang mabilisang pagkalanta at pagkamatay. Sa pag pili naman ng kulay ng bulaklak Ka-Pakbet maari kang pumili ng mga kulay ng bulaklak bilang pandagdag sa magpapalago ng Chi Energy. Kung pipili ng kulay, pillin ang kulay na babagay sa kulay ng inyong kusina. ito ang pmagdadagdag ng adisyonal na chi energy.

Isa pang tip Ka-PakBet, iwasan ang paggamit ng mga  lantang halaman, bulaklak at herbs bilang palamuti.Sa Feng Shui, ang kahit anong bagay na lanta o patay na kahit ito ay nakaayos ng maganda o naka bouquet ay nagdudulot ng kamalasan.

Marami ang nagsasabi na malas daw ang paglalagay ng mga ito sa inyong tahanan particular na sa inyong kusina. ang mga nasabing mga dekorasyon ay kailanman ay hindi nagging buhay at sariwa. maari kang mag display ng mga artipisya lna prutas at bulaklak na gawa sa silk sa inyong mga kitchen bowls. panatilihin lamang itong malinis upang maiwasan ang pagiging stagnant ng chi energy.

Sa oras na maintindihan mo ang mga alintuntunin ng feng shui sa ksuina ay makakamit mo ang isang maganda at masaganang buhay at enerhiya. kung napapansin mong may salungat  sa elemnto ng apoy at tubig sa loob nginyong kusina, makakabuti talaga ang paglalagay ng halamn ditto upang balansihin ang mga ito.

 

Ang mga interpretasyong ito ay pawang gabay lamang nasa sa atin parin ang desisyon at tayo parin mismo ang may hawak ng ating kapalaran. Huwag po nating kalimutang magdasal at manalig sa may kapal. Hinding hindi nya po tayo pababayaan.

X

Your chance to win a juicy discount on our big wheel.

Feeling lucky Ka-PakBet? Give the wheel a spin!

 
  • You can only spin the wheel once. No cheating.
  • Same email must be used when ordering.
  • Good luck Ka-PakBet!
SPIN THE WHEEL
Never
Remind later
No thanks