Showing all 6 results

-20%

Feng Shui Mandala Elephant Wind Chimes

398.00

Ang tunog ng wind chime na ito ay magbibigay sa iyo ng swerte at balanse sa buhay! Huwag mangamba na magugunaw ang iyong mga pinapangarap dahil lahat ay may balanse sa Feng Shui Mandala Elephant Wind Chimes. Gawa ito sa brass. Napakaperpekto nito sa loob ng bahay, katulad ng sala, pintuan. Pwede rin sa labas, gate, garden, at iba pa. Tunog ng kapayapaan dulot ng balanse ang mapapasaiyo.

-39%

Crystal Charged Bamboo Water Bottle

1,098.00

Itong bamboo water bottle ay naglalaman ng 100% natural cyrstals! Kapag nilagyan ng tubig ang mga crystals sa loob, ito ay magbibigay ng enerhiya na nagpapabata, nagpapakalma, at nagpapaganda sa katawan, isipan, at kaluluwa ng isang tao. Umaabot ng 500ml ang kapasidad nito, may kasamang bag para sa lalagyan, hiwalay na lalagyan para sa mga crystals, at ito ay may bamboo screw na takip.

  • AMETHYST – Tinataguyod ng bato na ito ang kapurian ng ating kaluluwa at sarili. Pinapakalma nito ang ating mga isipan at dahil dito, napapahinga ang katawan. Kapag ikaw ay laging pagod, ito na ang solusyon!
  • AVENTURINE – Isa ang aventurine sa pinakamaswerteng bato kaya naman napakaperpekto nito para akitin ang swerte at kaunlaran sa buhay. Tumutulong din ito upang magbigay balanse sa buhay nang nagmamay-ari.
  • CLEAR QUARTZ – Kilala ang crystal na ito bilang ang master healer. Dahil halos lahat ng aspeto ng buhay ng tao ay pinapagaling nito. Nagbibigay ito ng insipirasyon, pagkamalikhain, kalinawan, at kapurian. Napakaperpekto sa lahat!
  • FLOURITE – Ang crystal na ito ay may taglay na kakayahan upang pagalingin ang isang tao. Binabawasan nito ang sakit na nadadama dulot ng sakit sa ngipin, buto, cholesterol, at iba pa! Sulit na sulit ito para sa mga taong masakitin.
  • LAPIS LAZULI Ang lapis lazuli ay tanyag bilang taga-protekta laban sa mga negatibong enerhiya na galing sa mundo. May kaakibat na water element ang crystal na ito at kaya naman nakakatulong ito upang linisin ang mga enerhiya.
  • OBSIDIAN – Itong bato na ito ay isa sa mga malakas na panangga laban sa mga negatibo. Hinaharangan nito ang mga hindi kanais-nais na enerhiya papasok ng iyong buhay. Nagbibigay ng kapayapaan sa isipan at nakakatulong upang kilalanin ang sarili.
  • ROSE QUARTZ – Pinapagaling nito ang mga negatibong emosyon na nararamdaman ng tao. Kaakibat ng Rose Quartz ang enerhiya ng puso. Kaya naman napakaperpekto nito upang ipangregalo sa mga mahal mo sa buhay.
  • SMOKY QUARTZ – Ang crystal na ito ay nagpoprotekta sa may-ari laban sa mga negatibong enerhiya. Epektibo ito sa pagpapakalma ng mga nararamdaman nang nag mamay-ari at nagbibigay ito ng kapayapaan. Isang perpektong pangregalo para sa lahat!
  • STRAWBERRY CRYSTAL – Ang enerhiya ng bato na ito ay may espesyal na koneksyon sa heart chakra. Sinisigaw ng bato na ito ang pagmamahal sa iyong buhay kaya’t maaari mo itong ibahagi sa iba.
  • TIGER’S EYE – Kilala ang bato na ito bilang ang stone of protection ngunit nagbibigay din ito ng swerte sa nag mamay-ari. May kakayahan ito upang magkaroon nang sapat at kalmadong pag-iisip na makakatulong upang solusyon ang problema sa buhay.

 

  • Capacity: 500 ml.
  • Material: 100% Natural Crystal Stone
  • FREE Neoprene Black Carry Bag

 

-35%

Crystal Infused Bamboo Water Bottle

1,298.00

Ang kapasidad ng bamboo water bottle na ito ay 500ml at hindi ka na maghahanap ng lalagyan dahil may kasama na itong bag. Ang takip naman ng produkto na ito ay isang bamboo screw lid. Higit sa lahat naglalaman ito ng 100% natural crystals! Isinasabuhay ng aming infused bamboo water bottle ang isang magandang pamumuhay – malusog, maganda, payapa, at positibo.

  • AMETHYST – Nagdadala ang bato na ito ng isang napakasagradong enerhiya na makakatulong upang pakalmahin ang sarili. Ito rin ay isang panangga laban sa mga hindi kanais-nais.
  • AVENTURINE – Itong kulay berdeng bato na ito ay isa sa pinakamaswerte at bukod dito, nagbibigay ito ng mga opportunidad sa buhay nang nag mamay-ari. Nagtataguyod din ito ng balanse sa buhay.
  • CITRINE – Ang bato na ito ay naghahatak ng kasaganahan, swerte, at yaman sa buhay ng isang tao. Nagbibigay din ito ng kaligayahan at sigasig. Ito rin ay nagpoprotekta laban sa mga negatibo.
  • CLEAR QUARTZ – Tinataguyod ng bato na ito ang pagiging malusog sa buhay dahil ito ang pangunahing abilidad nito. Ito rin ay nag bibigay ng isang purong enerhiya na magbibigay ng positibong pananaw sa buhay. Ang clear quartz ay nagpoprotekto sa nag mamay-ari laban sa mga negatibo. Sulit na sulit sa pang-araw-araw!
  • GREEN FLOURITE – Tinataguyod ng bato na ito ang pagiging malusog sa buhay dahil ito ang pangunahing abilidad nito. Ito rin ay nag bibigay ng isang purong enerhiya na magbibigay ng positibong pananaw sa buhay. Ang clear quartz ay nagpoprotekto sa nag mamay-ari laban sa mga negatibo. Sulit na sulit sa pang-araw-araw!
  • LAPIS LAZULI – Ito ay may koneksyon sa enerhiya ng langit at lupa, nagsisilbi itong panangga laban sa mga negatibong enerhiya ng mundo. Itong crystal na ito rin ay may kakayahang puriin ang mga enerhiya na papasok sa buhay nang nag mamay-ari.
  • OBSIDIAN – Ang obsidian ay may kakayahan na gumawa ng isang kalasag upang harangan ang mga negatibong enerhiya na bibinigay ng hamon ng buhay. Nakakatulong ang bato na ito upang maging positibo ang sarili sa ano mang hirap ng buhay. Hindi ka na matatakot pang tahakin ang iyong buhay!
  • RAINBOW FLOURITE – Isa sa benepisyo ng bato na ito ay, nagpapatibay ito ng memorya na kung saan nakakatulong sa pang-araw-araw ng isang tao. Idagdag pa rito na ito ay nagpapagaling sa mga karamdaman na nadadama ng isang tao.
  • ROSE QUARTZ – Ang bato na to ay may koneksyon sa puso kaya’t gaganda ang daloy ng dugo. Kayang gawing positibo ang mga negatibong enerhiya ang batong ito. Napakaperpektong pangregalo sa mga mahal sa buhay.
  • TIGER’S EYE – Nakakatulong ang bato na ito upang labanan ang takot na nadadama nang nag mamay-ari. Higit pa roon, ang tiger’s eye ay nagdudulot ng swerte sa buhay.

 

  • Capacity: 500 ml.
  • Material: 100% Natural Crystal Stone
  • FREE Neoprene Black Carry Bag
-60%

Natural Hetian Jade Four Leaf Clover Necklace

998.00

Ang four-leaf clover ay swerte! Sa bawat dahon nito ay may kaakibat na kahulugan, kasama na ang mga minimithi ng mga tao sa kanilang buhay: Pag-asa, Pananampalataya, Pag-ibig, at Swerte. Itong Natural Hetian Jade Four Leaf Clover Necklace ay ipinagkatiwala sa nagbigay ang isang walang katapusan na mabuting hiling, kaya naman ang nagsusuot nito ay makakadama ng lakas, tapang, at pagmamahal.

  • Material: Natural jade
  • Pendant size: 1.4cm x 1.9cm
  • Chain size: 16 inches

      (Certificate of authenticity included)

 

-60%

God of Wealth Feng Shui Citrine Bracelet

798.00

Itong bracelet na ito ay nagbibigay balanse at mabuting kaganapan sa buhay sa tulong ng limang (5) elementong krystal at Tai Chi bead. Maaari nitong palaguin ang pera, nagbibigay ng kasaganahan, nagsusulong ng balanse, matupad ang mga hinahangad, naghahatak ng swerte sa negosyo, iniiwasan ang pagkaubos ng pera, at nagpapawala sa mga negatibo. Ang likas na bato na ito rin ay ang pangunahing kilala na nagpapakita at tumutulong para sa kasaganahan sa buhay nang sumusuot nito.

  • Material: Natural citrine stone
  • Bead size: 12mm
  •  Extra bead and Thread Included
-53%

Beginners’ Stone and Crystal Kit

698.00

Itong “Beginners” Set ay may laman na mga krystal na mahahalaga at maganda para sa isang koleksyon. Napili ito dahil sa dala nilang ganda, enerhiya, at kasikatan. Bawat bato ay kumakatawan sa mga mahahalagang aspeto ng crystal world. Pakadama mo ang enerhiya na binibigay nila at damhin ang may magandang dulot sa iyo. Ito ay ang perpektong paraan para malaman mo ang kakayahan ng mga krystal. Bawal piraso ay pinili sa kanilang sukat at kalidad. Sa isang set nito mayroong, lapiz lazuli, howlite, rose quartz, tiger’s eye, yellow jade, aventurine, clear quartz, sodalite, amethyst at obsidian. Nakalagay ang mga ito sa isang plastic container na madali lamang madala-dala. Mainam na regalo para sa magandang presyo!

  • Material: 10 assorted natural stones (1)lapiz lazuli, (1)howlite, (1)rose quartz, (1)tiger’s eye, (1)yellow jade, (1)aventurine, (1)clear quartz, (1)sodalite, (1)amethyst at (1)obsidian
  • Container size: 13 x 7 cm